Ang ating kultura ay parang halo-halo. Marami itong sangkap dahil sa pananakop ng ibang bansa. Halo-Halo ito dahil kahit iba-iba, kapag pinagsama maganda ang kinalabasan. Ang dami kayang mga bagay na maipagmamalaki ko bilang Pilipino. Unang-una ay ang ating kultura. Gaya ng sinabi ko, ang ganda at maksaysayan ang ating kultura. Ang isang bagay din na nagugustuhan ko ay ang kagandahang loob nating mga Pilipino na minana natin sa ating mga ancestors. Ang yaman yaman nga natin sa likas na yaman. Parang paraiso ang Pilipinas pero dahil sa mga ginagawa natin, unti-unti itong nasisira. Unti-unting nawawala ang lugar na ipinaglaban at pinagsikapan kaya maraming mga Pilipino ngayon na namamahagi ng awareness para mabalik natin ang ating munting paraiso. Kahit binibisita man tayo ng maraming bagyo, tumatayo parin tayo na nakangiti at iyan ang nagustuhan ko sa atin. Kahit anong problems, bumambangon at pinagsisikapan.
Ang mga paniniwala natin ay naimpluwensyahan sa mga taong sumakop sa ating bansa. Isa na ang mga Espanyol, sila ang nagdala sa Kristiyanismo dito sa Pilipinas at hanggang ngayon, karamihan sa mga Pilipino ay katoliko. Ang mga Tsino ay nagdala ng mga paniniwala kagaya ng Feng Sui at iba pa. May nagdala din ng relihiyong Islam sa Pilipinas, at dahil doon may mga Muslim din. Marami pang ibang relihiyon ang Pilipinas na hinatid ng mga dayuhan pero kahit magkaiba man ang mga paniniwala natin, Pilipino parin tayo at dapat natin itong ipagmalaki sa buong mundo.
-Alyssa Celine Saniel
No comments:
Post a Comment